INNOCENT SINGKO

Bilang isang estudyante sa kolehiyo, ang hangad ko lang ay pumasa at maka graduate ng nasa oras. Hindi ako matalino pero hindi ako bumabagsak sa unang tatlong taon ko sa Engineering sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Hindi ko sinasabing hindi ako tamad mag aral pero hindi ako pumapasok sa eskwelahan ng walang sandata kapag may exam o kung anu man. Hindi ko rin hinangad na mapasama sa kahit anong ganap sa eskwelahan dahil uulitin ko, ang tanging hangad ko lang ay pumasa at maka graduate ng nasa oras.

Sa halos tatlong taon na pag aaral ko, iba ibang klaseng professor ang mga nakakasalamuha ko sa eskwelahan. May isang beses lang magpakita pero mag kaka-grade ka, may sobrang hirap mag pa-exam o yung mga tinatawag na terror pero wala naman sa tinuturo yung ineexam, at may mga sobrang gagaling na kaka-idol-an mo, at iba iba pa.

Lahat ng iyon nalagpasan ko. Yung iba nga hindi ko alam kung paano pero sa awa ng Diyos, nalagpasan ko. Tahimik lang ako. Hindi ako sipsip sa kahit sinong prof o kung anu man dahil ayoko ng kahit anung issue at uulitin ko, ang tanging hangad ko lang ay pumasa at maka graduate ng nasa oras.

Ngayon fourth year ako, napaka kampante ko sa mga subjects maliban sa dalawa, Numeth at Principles of Communications kasi sobrang galing nilang magturo at napaka hirap mag pa exam. Walang ibang ay kundi mag aral ng sobra. Nag aral ako at salamat sa Diyos nakapasa. Walo lang ang pumasa sa amin sa Numeth Labing siyam na singko at ang iba ay Inc na. Halos matulala na lang ako dahil hindi talaga ako makapaniwala. Naiyak ako sa sobrang tuwa at kahit alas nuebe na ng gabi, nag punta ako kay St. Jude.

Hanggang sa mangyari ang pinakamasklap na na karanasan ko sa buhay, nagka-singko ako…

Flashback:

We were warned in our Circuits 3 subject to don’t do any unnecessary things that may lead sa pangongopya, kung hindi, singko.

Personally, I’m used to singing in a very low tone during exam to relax my nerves. Natural na sakin yun.

During exam, Me and my friend Elaine coincidentally sung the same song in a very low tone “Oceans apart and it’s heavy on my heart 🎶”, looked at each other, then murmur-ly giggled. After a few minutes, may estudyanteng proctor na nag-cut ng nails sa harap ko. here’s our positionuntitled

the rectangle is the table. The proctor literally cut her nails in front of me. So, I looked at Elaine and said ‘Oh my God’ without any tone. And then the worst part is Nung natalsikan si Elaine nung nails nung proctor. My friend rolled her eyes on her. Sino ba naman hindi maiinis dun. Another proctor passed by and I heard him say, ‘Huy wag naman jan (he’s referring dun sa pag cu-cut ng nails) ngumiti lang yung proctor. Nag smirk ako sa kanya. And then she left. Pag balik nya, kasama nya na yung Chairperson namin telling us not to talk to each other otherwise we’ll get a minus points. The exam is over then someone told me that Mam Perez (our chairperson) told Sir Mutuc (our professor) that give us a minus points because we (me and elaine) were talking to each other. Sabi ko ” Shit, gg!”

I immediately talked to Mam Perez regarding Sir Mutuc’s rules about the exam. Explained to her every single detail. All I got is “Wala lang yun. Okay na yun.”

That’s relieving.

We planned to talk to Sir Mutuc the following days but given our busy finals week, we never had a chance.

…The nightmare happened on the 11th of October, 2016-tueasday…

Elaine and I decided to talk to Sir Mutuc after our last subject that day. We were walking towards his office until someone shouted ” May grade na sa Circuits 3.” Nagkatinginan kami nung kaibigan ko, naghagilap ng cellphone at tiningnan ang grade…

Ayun, ” 5-F”

I wanted to cry but nothing will happen if iiyak lang ako. I bravely spill every fair words to defend me and Elaine. Show us the paper and prove to us that we copied towards each other. “I beg you-please sir-maawa po kayo” nothing worked out. He never showed us the paper.

I was depressed. Torn between “what are we gonna do to fix this” and “how will i tell my parents (this is probably the hardest part).”

We have the best strategy about it. Go to Mam Perez and ask for help. If hindi nag work, go to the VPAA and ask for another help. It is all well-planned pero maayos man namin to, there is a fear na what if maging prof ulit namin sya at pahirapan ulit kami or hindi lang kami kundi ang buong klase namin.

Ang hirap dahil ang kalaban namin ay pride ng isang tao na mas may power samin.

Estudyante ang nag-sumbong sa kanya, pinakinggan nya. Estudyante rin kami, pero bakit hindi nya kami pinakinggan?

Anong Kredibilidad Ng Mga Estudyanteng Proktor na yun? I keep on asking myself.

Am I not worth listening? Dahil ba estudyante lang ako na hindi malapit sa kanya hindi nya na ko papakinggan?

UNFAIR- HINDI PATAS

Ang gulo, sobrang gulo. Pero para matapos na lang ito, tinanggap ko ang singko. Sobrang hirap man, for the sake na matapos na lang, sige, okay na.

Masyadong mataas ang tingin ko sa paaralan ko pero ibinababa ng mga gantong sistema.

Oo, nang dahil sa takot namin kaya hindi namin tinuloy ayusin to, masisisi mo ba kami?

Hanggang kailan ganito?

-ang tanging hangad ko lang naman ay pumasa at maka graduate ng nasa oras.

Reminder: Payback is a bitch.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s